Tuesday, November 14, 2006

Last week na namin sa Pedia...yey..hehe.. pero hay--may maaalala kaya ako by the time we take the exam at the end of the year? I think I may have to do extra studying during the few weeks before that.. buti na lang benign rotations na kami nun.. ^__^

Yup, that's how Pedia was for me... parang di ako sigurado kung may nareretain akong information... Na-realize ko challenge talaga ang iniiwanan ka lang na magbasa on your own (na minsan di ko nagagawa hehe). Pero marami naman kaming nakitang cases sa OPD. Natututo pa rin naman ako. =)

Iba-ibang disposition din ng patients ang na-encounter ko... mula sa mga baby na walang ka-imik-imik, hanggang sa sobrang likot na batang developmentally delayed at may cleft palate, hanggang sa batang grabe magwala makakita lang ng karayom... Whew!

Sabi ng blockmate ko sa simula ng rotation mukhang bagay daw ako mag-Pedia... Kung may heart man ako para dito, di ko pa yata natutuklasan... At muli ako'y nagtatanong: Lord, ano bang kalalagyan ko 'pag naging ganap na 'kong doktor?

2 comments:

Anonymous said...

'da! gosh, ngayon ko lang nalaman na may blog ka na pala! for someone who works sa 1 bpo at buong araw na nakaharap sa pc, late pa rin talaga ko sa mga online balita. ^_^;

umiikot ang ulo ko sa mga terms ng med student pero nararamdaman ko pa rin yung excitement mong matuto. am so happy for you 'da! this blog was a long time coming. post pa!

Ida Ingrid said...

salamat lay.. =) pano ka nga napadpad dito? =)

ang pagpost ay depende na lang kung sinisipag ako o hindi...hahaha... ^__^