Wednesday, December 26, 2007

Backlog Pa Rin

(Pagod na ‘ko mag-English. Hehe)

Sumunod sa Anes ang Emergency Medicine… dito ko nakita kung gaano ka-halaga ang triage. Maraming dumarating na pasyente na nag-aakalang emergency ang kaso nila, pero kung tutuusin hindi pa. Kelangan talaga piliin kung sino lang ang i-aadmit sa ospital, kasi kung hindi, mauubusan agad ng vacancy ang wards, at matatagalan lang ang mga pasyente sa ER. Well, in the first place puno naman lagi ang PGH. ^__^; Halos nakabisado ko na nga ang mga linyang sinasabi ng mga residente sa mga kumukonsultang pasyente:

“’Tay/’Nay, ang kondisyon niyo pang OPD naman, balik na lang kayo sa OPD bukas at pumila kayo alas-singko pa lang ng umaga ok?”


“Pasensya na kayo, wala ho kaming bakante sa charity ngayon. Pag tinanggap namin kayo, maiinip lang kayo sa ER at mahahawa pa kayo sa sakit ng iba dito. Subukan niyo sa Ospital ng Maynila o kaya sa Jose Reyes, baka sakaling may bakante sila…”


Ganyan sa ER ng PGH (sayang wla ‘kong pic)… ang Acute Care Unit halos laging puno, parang extra ward. Mainit pa’t ang simoy ng hangin, kakaiba. Haha. Sa dalawang linggong tinagal namin dun, katulong kami ng mga residente sa trabaho. ‘Pag pre-duty, tumatambay sa triage, at tulad ng sabi ko, sinasala ang mga pinapapasok upang magamot. Ang duty naman, oras para ma-practice ang skills tulad ng venous at arterial blood extraction, IV line insertion, foley catheter insertion (kasi ginagawa ang mga ‘to sa halos lahat ng pasyenteng inaadmit). Pag-post duty, matapos ng mga lecture (kung meron man), uwi na! Yey. :)


Dahil frontline ang DEMS (Department of Emergency Medical Services) sa pagtanggap ng pasyente, iba’t ibang kaso at personality ang na-encounter ko dito—may mga inatake sa puso, may masakit ang tiyan, may nahihirapan huminga, may na-stroke, maraming mga naaksidente, at pati nagbibigti at umiinom ng mga kung anu-anong kemikal meron din. Kadikit na ng pag-atupag sa kanila ang samu’t saring aksyon at drama. Madalas, ang mga tumatatak sa isipan ko ay yung mga dumarating na ‘coded’ (walang heart rate at blood pressure), o di kaya, malapit nang mag-code. Isang gabi, may dumating na maliit na grupo ng mga bading, dala ang kasama nila na blue na ang mukha. Sinubukan namin sila hingan ng impormasyon tungkol sa pasyente, pero bukod sa alias na “Joan”, wala na silang alam. Kahit edad man lang, o kung san siya nanggaling. Siguro, sandali pa lang ang pinagsamahan nila (magkakasama silang nagtatrabaho sa isang beauty parlor). Nung gabing ‘yon, galing daw sila sa gimik. Nakainom daw ng marami si “Joan”, at pag-uwi ay parang nag-collapse. Akala ng mga kasama, nakatulog lang. Pero later on napansin nilang unresponsive na pala. Ayun, dinala sa ER. Sinubukan i-resuscitate ng code team (dito ko unang nasubukan gumamit ng defibrillator), kaya lang hindi naging successful. Nakakalungkot isipin na hindi pa niya kasama ang pamilya niya o kung sino mang nakakakilala sa kanya talaga nung binawian siya ng buhay.


Ibang gabi naman, nag-admit kami ng mag-asawang biktima ng vehicular crash sa may Nakpil St. Nakasakay silasa motor at bumangga sa isang taxi. Hinatid sila ng driver sa PGH, at pinasok sa ER buhat ng stretcher—parehong bali ang buto ng kanilang kanang hita. Nahirapan sila i-intubate ng residents kasi pumapalag at gusto hilahin ang tubo. Grabe rin yung time nay un, basta emergency kailangan mabilis ang kilos. Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari sa kanila pagkatapos dalhin sa X-ray kasi Surgery na ang nag-handle sa kanila.


Hindi ko rin malilimutan ang pasyenteng sumubok sa pasensya ko dahil ayaw niya magpalagay ng NGT. Alam kong masakit ang malagyan ng NGT, pero grabe, walang kasing likot si Tatay to the point na kinailangan siya itali. Kailangan niya yun kasi nagdudugo na ang tiyan niya. Kaya na lang ganun din siya ka-resistant kasi wala na siya sa tamang pag-iisip dahil naapektuhan na ng Hepatitis niya ang utak niya. Sa sobrang frustration ko nataasan ko ng boses pati yung bantay na gusto nang mag-walk out. Hay, ang pasyente hindi dapat iniiwan ng bantay. Na-guilty rin ako pagkatapos nun… proof na kailangan ko pa rin ng extra helping of Grace. :)


Ilan lang ang mga ito sa mga naging karanasan ko sa ER. Ok ang EM rotation… may times na toxic—pero pag benign, benign talaga. :) Isa pang maganda dito, kailangan mo lang i-stabilize ang pasyente at pagkatapos, pwede na i-refer sa magiging primary service (kung for hospital admission), o kaya, pwede na pauwiin. Sobrang bait at fun pa ng mga residents na nakasama namin. At siyempre, masaya kasi I went through it with my all-time favorite blockmates. :)

Last day ng DEMS. Bojit’s ice cream treat. Kumpleto kami d2! Jill, Dezi, Ida, Bojit, Trine, Q, Suzi, Cesca


1 comment:

Anonymous said...

You write very well.