Thursday, May 10, 2007

Balik Tanaw

Nawindang-windang man ako sa nakaraang ISCF LCDC (subukan mong maging Camp Secretary, Camp Doctor, at counselor nang sabay-sabay), bale-wala ang pagod kumpara sa kaluwalhatian, katapatan, at pagmamahal na ipinakita ng Panginoon. Sa magagandang tanawin, sa mga ate't kuya na naging kaagapay, sa buhay ng mga campers, pinaramdam Niya sa akin na hawak Niya kami lahat, at hindi kami pababayaan.

Nung huling araw ng camp, pakiramdam ko dinaanan lang ako nang mabilis ng isang linggo na tinagal namin sa Lord's Garden... pero puno 'yon ng aral (ang iba'y bago, ang iba nama'y paalala) kung paano Siya dapat mahalin at sundin. Puno ng trabaho, maging ng pahinga. Puno ng tawanan, maging ng luha. Puno ng pagmamahal, ng pag-uunawaan, ng pagiging sandigan para sa isa't isa. Lahat ng ito, para sa kaluwalhatian ng ating nag-iisang Diyos na walang kasing-buti.

Sa
lamat, Panginoon, sa LCDC 2k7. :)

No comments: