Mukhang hindi na ako sanay magsulat ng liham.
Mga tatlong oras na yata akong nakaharap sa PC (may kasama namang distractions hehe ^__^) para sa isang liham na ako ang naatasan ng pamilya na gumawa. May kaibigan kasi kaming taga-Germany na ni isang beses di pa namin nasulatan, samantalang taon-taon siya nagpapadala ng liham sa amin.
Mahirap naman talaga magkuwento ng mga karanasan ng bawat isa sa nakaraang taon... Sa dami nun alin ang ikukwento ko? Alin ang pwede nang hindi isama?
O marahil ay kinalawang lang talaga ako sa pagsusulat. Araykupo.
Sa kabilang banda, okey na rin 'to.. napipilitan akong balikan ang mga nangyari sa amin ngayong 2006.
Sa totoo lang kailangan ko rin ito...para masuri kung nasaan na ako sa kasaysayan ng aking buhay. Patapos na ang bakasyon, at ang taon.. di ko pa nagagawang magbulay-bulay at kausapin ang Panginoon...
Thursday, December 28, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
hi idz! gawa ka next time ng Rocha Praise prayer news letter...parang sa staff...hehehe diba? tas email ulit.para mas cute.hehehe...God bless!-lorah
Post a Comment